|
||||||||
|
||
Nagtagpo kaninang hapon sa Singapore sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Tan Keng Yam ng bansang ito para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig.
Sa kanilang pagtatagpo, sinang-ayunan ng Pangulo ng Tsina at Singapore na itakda ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa bilang "partnership of all-round cooperation keeping with the times."
Sinabi ni Xi na upang magkasamang makalikha ang dalawang bansa ng mas magandang kinabukasan ng bilateral na relasyon, dapat pabutihin ng dalawang bansa ng mga gawain na gaya ng pananatili ng pagpapalagayan sa mataas na antas, pagpapalawak ng mga aktwual na kooperasyon, at pagpapahigpit ng pagkokoordinahan at kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi pa ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pasulungin, kasama ng Singapore, ang kooperasyon at relasyon ng Tsina at ASEAN.
Binigyang-diin ni Xi na iginigiit ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad at patakarang panlabas na magpapanatili sa mainam na relasyong pangkaibigan sa mga karatig na bansa.
Ipinahayag ni Tan na naniniwala siyang ang pagdalaw ni Xi ay magpapataas ng lebel ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas. Sinabi pa niyang ang mga kooperasyon ng dalawang bansa ay sumasaklaw, hindi lamang sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, kundi maging sa pangkalahatang kalagayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod dito, sinabi ni Tan na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank at nakahandang aktibong lumahok sa mga gawaing may kinalaman dito.
Ipinalalagay aniya ng Singapore na ang Tsina ay mahalagang puwersa sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng komunidad ng daigdig at nakahandang pahigpitin ang pagkokoordinahan at kooperasyon sa Tsina hinggil sa mga isyung pandaigdig at panrehiyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |