Bago ang kanyang dalaw-pang-estado sa Singapore, nagpalabas ngayong araw ng artikulo sa mga pahayagang Straits Times at Lianhe Zaobao ng bansang ito, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag niya ang pag-asang isang bagong bukas ang lilitaw sa relasyong Sino-Singaporean.
Sa artikulo, unang-unang binigyan ng mataas na pagtasa ni Xi ang kasalukuyang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Singapore. Ito aniya ay dahil sa pagsisikap ng mga lider ng dalawang bansa, at magandang ideya ng dalawang bansa sa pagsasagawa ng mga kooperasyon.
Nagharap din si Xi ng tatlong mungkahi hinggil sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Singaporean. Una, itakda ang estratehikong plano hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon. Ikalawa, palalimin at palawakin ang pragmatikong kooperasyon. At ikatlo, pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraing panrehiyon at pandaigdig.
Dagdag ni Xi, umaasa siya sa kanyang gagawing biyahe, na makakausap niya ang mga lider na Singaporean hinggil sa naturang mga mungkahi, para pasulungin sa mas mataas na antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai