Bumigkas ng talumpati ngayong araw sa parliamento ng Biyetnam si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi niyang marami ang komong interes ng Tsina at Biyetnam, at ang pagkakaibigan at pagtutulungan ay pangunahing tunguhin sa relasyon ng dalawang bansa. Aniya, dapat igiit ng Tsina at Biyetnam ang relasyong pangkaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, para magdulot ng tunay na benepisyo sa kanilang mga mamamayan, at pasulungin ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Ipinahayag din ni Xi na ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ay isang pampasigla sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, nagkasundo na sila ng mga lider na Biyetnames, na ibayo pang palakasin ang people-to-people exchanges ng dalawang bansa, para lumikha ng mas magandang atmospera sa relasyong Sino-Biyetnames.
Salin: Liu Kai