|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam at Singapore mula ika-5 hanggang ika-7 ng kasalukuyang buwan, inilahad ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mahalagang katuturan ng nasabing pagdalaw.
Sinabi ni Wang na ang pagdalaw ni Xi ay nagpapasulong ng matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Biyetnam, at nagpapataas ng lebel ng aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Singapore.
Aniya pa, ang nasabing pagdalaw ay nagpapalalim din ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Tinukoy ni Wang na ang pagdalaw ni Xi ay ibayo pang nagpapaliwanag ng mga patakaran at paninidigang Tsino sa mapayapang pag-unlad, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Una, inulit ng panig Tsino ang pagpapasulong ng mapagkaibigang kooperasyon sa ASEAN, pagkatig sa konstruksyon ng ASEAN Community at pagkatig sa pagpapatingkad ng ASEAN ng pangunahing papel sa mga kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asia.
Ikalawa, ipinaliwanag ni Xi ang nilalaman at diwa ng mga nagsasarili at mapayapang patakarang panlabas ng Tsina.
Ikatlo, ipinahayag ng panig Tsino ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Ikaapat, inilahad ni Xi ang pinakahuling kalagayan ng pag-unlad ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |