Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang BMW, Mercedes-Benz at Toyota, transportation partners ng 2015 APEC Philippines

(GMT+08:00) 2015-11-12 19:50:06       CRI

Bilang isang porum ng kabuhayan at kalakalan na may pinakamalakas na impluwensiya sa rehiyong Asya-Pasipiko, lumalahok sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings bawat taon ang mga lider ng bansa sa rehiyong ito, mga mataas na opisyal, mangangalakal at dalubhasa.

Samantala, ang porum na ito rin ay isang magandang pagkakataon para ipromote ng mga bahay-kalakal ang kanilang produkto.

Sa 2015 APEC meetings sa Pilipinas, ang BMW, Mercedes-Benz at Toyota, tatlong pandaigdigang kumpanya ng kotse ang gagamitin para sa pagsalubong at paghahatid ng mga kalahok na lider, mataas na opisyal at ibang mga pangunahing panauhin ng iba't ibang mga bansa.

BMW

Sa mga ito, ang BMW ay magkakaloob ng mga kotse para sa mga kalahok na dayuhang lider, mataas na opisyal at VIP.

Ang kabuuang bilang mga koste na ipagkakaloob ng BMW ay lumampas sa 200 at ang mga ito ay mahahati sa mga uri na gaya ng BMW 7 Series Long-Wheelbase at BMW 5 Series.

BMW 7 Series Long-Wheelbase Sedan

BMW 5 Series Sedan

Ayon sa ulat, ang isang kotse ng BMW 7 Series ay nagkakahalaga sa P5.5 million ($123,544.49) at ang isang kotse ng BMW 5 Series ay umabot naman sa P3.5 million ($78,643.09).

Bukod dito, ang BMW ay itinakda bilang official partner and vehicle provider ng APEC Economic Leaders' meetings.

Mercedes-Benz

Ang Mercedes-Benz ay magkakaloob din ng mga kotse para sa mga delegasyon ng APEC meetings. Ang kumpanyang ito ay partner and vehicle provider din ng 2015 APEC meeting sa Pilipinas.

Ayon sa ulat, ang mga kotse ng Mercedes-Benz S-Class at E-Class ay maglilinkod para sa mga mahalagang panauhin sa APEC meetings.

Mercedes-Benz E-Class Sedan

Mercedes-Benz S-Class Sedan

Toyota

Samantala, ang Toyota ay magkakaloob ng 483 kotse para sa APEC meeting sa Pilipinas.

Ang mga uri ng naturang mga kotse ay kinabibilangan ng Altis, Fortuner, at Hiace. At ang naturang mga kotse ay maglilingkod para sa Senior Officials' Meetings, private sector-related meetings, at CEO Summit.

Toyota Altis

Toyota Fortuner

Toyota HIace

2014 APEC Beijing

Pero sa 2014 APEC Meeting sa Beijing, Tsina, ang mga kotse na ginamit sa mga pulong ng APEC ay pangunahing na, galing sa mga domestikong bahay-kalakal.

Ang mga kotse na naglingkod para sa mga kalahok na lider, kanilang mga asawa at mataas na opisyal ay Hongqi L5 at Hongqi H7 na yari ng First Automotive Works (FAW). Ang bahay-kalakal na ito ay itinatag noong ika-13 ng Hulyo ng taong 1956, at ito rin ay unang bahay-kalakal ng koste pagkatapos ng pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC).

Hongqi H7

Ang ibang mga kotse ay ipinagkaloob ng dalawang domestikong bahay-kalakal na gaya ng BAIC Motor Corporation Ltd at SAIC Motor Group, at isang Hapones na bahay-kalakal na Nissan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>