Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pambansang Pulisya, handa na para sa APEC 2015

(GMT+08:00) 2015-11-10 19:38:47       CRI

"ZERO INCIDENT" TARGET NG PNP. Layunin ng Philippine National Police na manatiling "zero incident" ang pagdaraos ng APEC sa Maynila sa susunod na linggo. Sa panayam kay C/Supt. Wilben Mayor, sinabi niyang nakamtan ang "zero incident" noong dumalaw si Pope Francis noong Enero. Magkakaroon ng maximum tolerance sa mga magtitipon at tutuligsa sa APEC. Kailangan lamang sumunod sa batas, dagdag pa ni G. Mayor. (Melo M. Acuna)

NAPAGHANDAAN ng Philippine National Police ang nakatakdang pagdaraos ng APEC Economic Leaders' Meeting na magsisimula sa darating na Martes, ika-17 hanggang Biyernes, ika-20 ng Nobyembre sa Maynila at mga karatig pook.

Sa isang panayam, sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na titiyakin nilang kaaya-aya ang karanasan ng mga panauhin at ligtas sa anumang kapahamakan. Nagtutulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines, ang Presidential Security Guards kasama ang kanilang mga tanggapan tulad ng Department of Interior and Local Government, Department of National Defense at maging ang Office of the President.

Target ng pamahalaan na manatili ang "zero incident" tulad noong dumalaw si Pope Francis noong nakalipas na Enero, sa Maynila at maging sa Tacloban City at Palo sa Leyte.

May mga itatalagang tauhan ng pamahalaan ng Pilipinas bilang security escort ng mga pinuno ng 20 bansang darating sa Metro Manila. Nagkaroon na ng mga walk-through, simulation at iba pang paghahanda sa larangan ng paglalakbay patungo sa mga hotel, sa paliparan at maging sa pagdarausan ng mga pagpupulong.

Bagama't nakarating na sa kanilang kaalaman ang napipintong mga pagkilos at demonstrasyon ng mga tumutuligsa sa idaraos na APEC, magkakaroon ng maximum tolerance sa kanila, tulad ng mga nakalipas napanahon. Igagalang din ng pamahalaan ang kanilang karapatang magpahayag.

Sa mga pook na kinikilalang "freedom parks," hindi na kailangan pang humingi ng permiso o pahintulot sa pamahalaan. Ayon kay C/Supt. Mayor, garantisado ang karapatang ito sa Saligang Batas at kasalukuyang batas ng bansa.

Mangangailangan lamang ng permiso sa mga kinikilalang public places tulad ng mga lansangan (at) liwasan na magmumula sa pamahalaang lokal.

Nanawagan si G. Mayor na kahit kikilalanin ng pamahalaan ang karapatang magpahayag ng mga militante, makabubuting huwag nilang malabag ang karapatan ng ilang mga mamamayan.

Sa oras na magkaroon ng mga pagtitipon, nararapat na magkaroon ng layong 100 metro ang mga pulis sa mga demonstrador. Kabilang na ito sa kanilang standard operating procedures.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>