Ayon kay Laura Q. Del Rosario, Philippine Foreign Affairs Undersecretary for International Economic Relations, natanggap ng Pilipinas ang mensahe mula sa panig Indonesia na hindi makakalahok si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa gaganaping Pulong ng mga Lider Ekonomiko ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Maynila dahil kailangang ayusin ng pangulo ang mga pangkagipitang isyung panloob. Si Thomas Lebong, Ministro ng Kalakalan ng Indonesia ay kakatawan kay Widodo at dadalo sa APEC Meeting na idaraos mula ika-18 hanggang ika-19 ng Nobyembre.
Ipinatalastas naman ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Pangulo ng Rusya, ang kapasiyahan ni Pangulong Vladimir Putin na si Punong Ministro Dmitry Medvedev ang papalit sa kanya para dumalo sa APEC 2015 Philippines. Ito aniya ay upang ma-optimize ang iskedyul ng lideratong Ruso.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio