|
||||||||
|
||
Mahigit 20 taon na ang nakaraan sapul nang idaos ang unang Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Seattle noong 1993, at itataguyod ng Pilipinas ang APEC Summit sa kasalukuyang taon. Alam natin, ang isa sa mga pinakamalaking tampok ng pulong ay, sa halip ng formal attire, isinusuot ng lahat ng mga lider ang national costume ng miyembrong tagapagtaguyod, at saka kukunan ang APEC leaders group photo. Ito ang isa sa mga tradisyonal na katangian ng APEC. Ngayong araw, isa-isahin natin ang mga national costume na isinuot ng mga kalahok na lider sa APEC Summit mula 1993 hanggang 1998.
Seattle, Amerika, taong 1993
Idinaos dito ang unang Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC. Isinulong ang pulong sa pamamagitan ng di-pormal na paraan sapul nang simulan ito. Noong panahon iyon, si dating Pangulong William Jefferson Clinton ng Amerika ay nagsuot ng jeans na may katangiang Amerikano.
Bogor, Indonesia, taong 1994
Sa ika-2 Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC sa Bogor, naghandog si dating Pangulong Haji Mohammad Suharto ng Indonesia ng kasuotang Batik sa bawat kalahok na lider. Ang Batik ay isang uri ng Indonesian kamisadentro na ginagamit ang wax dyeing technique. Pagkaraan ng naturang pulong, ang paghahandog ng miyembrong tagapagtaguyod ng national costume sa mga kalahok na lider ay naging tradisyon ng APEC.
Osaka, Hapon, taong 1995
Sa APEC Summit sa Osaka, hindi nagsuot ang mga lider ng kimono, tradisyonal na costume ng Hapon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |