|
||||||||
|
||
Ilang araw na lang, nakatakdang idaos ang Ika-23 Summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation(APEC) sa Manila, Philippines. Mahigit 10 libong lider, mataas na opisyal at kinatawan mula sa mga may kinalamang organo, organisasyon at kompanya ang magtitipon-tipon sa Manila. Pero, sa pagpapahinga nila pagkaraan ng mga talakayan hinggil sa mga tunguhin ng kaunlarang ekonomiko sa rehiyong Asya-Pasipiko, ano kaya ang mga putaheng inihain sa kanila?
Alam nating, mayroon maraming masarap na pagkain sa Pilipinas tulad ng lechon, adobo, sinigang, pansit, sinangag, polvoron at iba pa. Pero, sa paghahanda ng putahe para sa pulong na internasyonal, dahil magkakaiba ang kaugalian, relihiyon at kagustuhan ng mga bisita, ang lahat ng pagkain ay dapat walang karne ng baboy. Sa karaniwan, ang karne ng baka ay sangkap na madalas na gamitin.
Magbalik-tanaw tayo kung anong pagkain ang ihinain sa APEC nitong ilang taong nakalipas.
Mula snacks hanggang main course, noong 2002, sa panahon ng Los Cabos APEC sa Mexico, ipinakaloob ng tagapag-organisa ang tablets para sa mahigit 400 mataas na opisyal para isagawa ang isang poll tungkol sa kanilang gustong pagkain. At sa bandang huli, pagkaraan ng paulit-ulit na pagbabago, ipinsiya nilang gawing main course ang isang putahe ng isda na nagtatampok sa Veracruz flavor.
Noong 2005, dahil sa problema ng parasite, inalis ang Kimchi sa menu bilang appetizer, pero, ang Kimchi ay pangunahing simbolo ng Timog Korea, kaya, ipinasiya ng tagapag-organisa na patuloy na ipagkaloob ang Kimchi sa banquet at para maigarantiya ang pinakamagandang lasa, naghanda ang Chef ng 400 cabbage at sinimulan ang curing ng mga ito 10 araw bago idaos ang APEC.
Noong 2009, naghanda ang Singapore APEC ng apat na dish para sa mga panauhin. Kabilang ditto, ang main course, puwedeng pumili ang mga bisita ng karne ng baka o karne ng manok. Bukod dito, para maigarantiya ang kalidad ng materyal, umorder sila ng mamahaling steak mula sa Estados Unidos, karne ng manok mula sa Pransya, fish roe mula sa Hapon at scallop mula sa Norway.
Noong 2011 sa Hawaii APEC Summit, naghanda ang tagapag-organisa ng mga maluhong putahe mula sa Four Seasons Resort Hualalai.
Tulad ng damdamin ng mga South Korean sa Kimchi, gustong gusto ng mga Russian ang caviar, particular na, ang red caviar na hindi puwedeng mawala kung kapistahan at resepsyon. Noong 2012, sa panahon ng Russia APEC, naghanda ang tagapag-organisa ang fried Carmen Bell Cheese, alimango at maraming sariwang red caviar bilang side dish.
Ang Rendang Beef at NasiKuning ay pangunahing putahe ng 2013 Indonesia APEC, pero, dahil napaka-alat at malangis ang lasang lokal, para makatugon sa kagustuhan ng mga bisita, ipinagkaloob ng tagapag-organisa ang amraming de-kalidad ng dish mula sa iba't ibang bansa na nakatanggap ng mataas na papuri.
Noong 2014 Beijing APEC, ginawa ng tagapag-organisa ang main course na Beijing Duck at maraming tradisyonal, simple at maginhawang snack food tulad ng Royal Wotou (steamed corn bun), yundoujuan (kidney bean roll), wandouhuang (cake made from pea paste), and lvdagun (glutinous rice rolls with sweet bean paste).
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |