|
||||||||
|
||
Dadalo roon ang Pangulong Tsino sa Ika-10 G20 Summit na idaraos mula ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito.
Pagkatapos, bibiyahe rin si Xi sa Maynila, Pilipinas, para dumalo sa Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Nauna rito, isinalaysay ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na gaganapin sa Maynila ang Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) mula ika-18 hanggang ika-19 ng buwang ito. Sa panahon ng pulong, dadalo at bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi sa Summit ng mga Lider Industriyal at Komersyal ng APEC. Isasagawa din aniya ni Pangulong Xi ang mga bilateral na pakikipagtagpo sa mga lider ng may-kinalamang kasapi ng APEC para talakayin ang tungkol sa prospek ng APEC cooperation at bilateral at aktuwal na kooperasyon.
Tinukoy ni Li na ang Tsina ay tagapagtatag at tagapag-abuloy ng APEC. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang mahalagang papel ng APEC sa pagpapasulong ng kooperasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Idinagdag pa niya na ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko ay bagong target ng integrasyong panrehiyon ng APEC. Inaasahan aniya ng panig Tsino na magsisikap kasama ng iba't-ibang panig para tapusin ang pag-aaral sa magkakasanib na estratehiya hinggil sa nasabing sona sa katapusan ng susunod na taon. Ito ay makakalikha ng positibong kondisyon para sa pagtatatag ng isang komprehensibo, mataas na kalidad, at balanseng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |