|
||||||||
|
||
HIGIT sa 400 mga mamamahayag mula sa iba't ibang bansa ang dumating sa Maynila para sa APEC Economic Leaders' Week hanggang sa darating na Biyernes ng susunod na linggo.
Mayroong halos isang libong mga mamamahayag mula sa mga himpilan ng radyo't telebisyon, mga pahayagan at new media ang nagpatala sa Media Accreditation and Relations Office (MARO) ng Malacanang upang mag-ulat ng mga magaganap sa mga pulong ng APEC.
Samantala, mayroong 161 kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines ang nagpatala rin para sa okasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na tiniyak nilang magagamit ng mga mamamahayag ang mga pasilidad na kanilang inilaan para sa isang linggong okasyon.
Kasama sa kanilang paghahanda ay pagkain para sa lahat ng mamamahayag.
Tagapag-ulat: Melo
Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |