Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tanong ng Oxfam: Nakinabang ba ang mahihirap sa APEC?

(GMT+08:00) 2015-11-14 18:41:20       CRI

NASAAN ANG KAUNLARAN? Ito ang tanong nina Jason Morgan (kaliwa) ng Oxfam Philippines at Riza Bernabe ng Roxfam Asia sa ilang dekada ng Asia Pacific Economic Cooperation. Anang dalawa, mas maganda kung magkakaroon ng tinig ang mga mahihirap at mabigyan ng pagkakataong makadama ng kaunlaran. Ito ang kanilang mensahe sa isang press briefing kahapon. (Melo M. Acuna)

NAPAPAGLAPIT ba ng APEC ang agwat ng mayayamang mangilan-ngilan at milyong mahihirap sa Asia? Ito tanong ng isang international development organization na Oxfam hinggil sa paksang magandang pag-usapan sa darating na APEC summit sa susunod na linggo.

Sa paglulunsad ng kanilang pagsusuring pinamagatang "A Different Route, Reimagining Prosperity in Asia," nanawagan ang Oxfam sa mga kasapi sa APEC na suriin ang tumitinding agwat ng mayayaman sa mahihirap kahit pa masigla ang ekonomiya sa rehiyon sa nakalipas na 25 taon.

Ipinaliwanag nina Justin Morgan ng Oxfam sa Pilipinas at Riza Bernabe ng Oxfam Asia na ang hindi pagkakatugma ang nagpapatunay na kailangang magkaroon ng kakaibang programa sa ekonomiya at kaunlaran na pakikinabangan 'di lamang ng mga mangangalakal, kundi ng mga manggagawa at mga magsasaka rin na siyang dahilan ng pag-unlad ng rehiyon.

Ipinaliwanag nilang natagpuan ng Asian Development Bank ang 'di pagkakapantay ng mga mamamayan sa rehiyon noon pang dekada nobenta at noong mga huling taon ng dekada 2000, tumaas ito ng may hanggang 18% at may 1.6 bilyon kataong nabubuhay sa kitang wala pang US$ 2 bawat araw.

Ayon kay Bb. Bernabe, magkakaroon ng pagbabago kung magbabayad ng sapat na buwis ang malalaking korporasyon at mga mayayamang tao at magagamit ang salaping malilikom sa mga programang para sa mahihirap sa larangan ng edukasyon at kalusugan.

Mapakikinabangan ang APEC kung ang mga kasapi nito ay magkakaroon ng mas matatag na mga komunidad sa harap ng bantang dulot ng climate change. Malaki ang epekto ng pagbabago sa klima sa kalusugan, seguridad, kabuhayan at kahirapan sa mga bansang nasa Asia.

Napakahalaga nito sa Pilipinas sapagkat sinabi ng Germanwatch na tinamaan ang bansa ng pinakamatinding problema na tulad ng pagkalakas-lakas na bagyo. May 1.1% ng gross domestic product ng Pilipinas ang nawawala taon-taon dahilan sa mga kalamidad.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>