Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang pagsugpo sa katiwalian

(GMT+08:00) 2015-11-14 11:04:14       CRI

KUNG hindi mapipigil ang mga katiwalian sa lipunan, madaragdagan ang mahihirap at masasagasaan ang kaunlaran.

Ito ang sinabi ni G. Jesus Estanislao, dating Finance Secretary sa pananghalian kasama ang APEC Senior Officials sa "Islands of Good Governance." Hindi aniya sapat na labanan lamang ang katiwalian; magiging mabisa ito kung magsasama ang daigdig ng kalakal at pamahalaan.

Aniya, masama ang idinudulot ng katiwalian sapagkat nawawala ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan at nagiging daan upang higit na maghirap ang taumbayan.

Kailangang maging pangmatagalan ang kampanya at magsama ang private at public sectors. Sa ganitong paraan, hindi lamang malilinis ang lipunan, makapagbabalik din ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.

Ilalabas na umano ng kanilang samahan ang pag-aaral na kumilala sa 50 nangungunang publicly listed companies na tumugon sa mataas na pamantayang itinalaga ng Oganisation for Economic Cooperation and Development.

May 11 sa mga korporasyong ito ang mula sa Pilipinas at apat sa labing-isa ay pag-aari ng isa sa mga kasapi ng APEC Business Advisory Council sa katauhan ni Don Fernando Zobel de Ayala.

Ang kanilang pagkilos bilang isang samahan ay nagmula noong naganap ang Asian financial crisis at nagsanib ang corporate governance at pamahalaan upang tumingkad ang pagkakaroon ng shared responsibility.

Walang mararating ang public sector kung hindi kasama ang kalakal at civic sector na siyang magbabantay sa mga magaganap sa lipunan. Ani Estanislao, sa larangan ng mga pamahalaang lokal, nanguna ang Balanga sa Bataan, Mandaue sa Cebu at Talisay sa Negros Island. Natamo rin ng Butuan at Dipolog cities ang parangal.

Sa larangan ng pamahalaan, nanguna ang Philippine Heart Center, Department of Trade and Industry, Armed Forces of the Philippines, Philippine Army at Philippine Air Force.

Kung government-owned and controlled corporations, nanguna naman ang National Electrification Administration at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Idinagdag pa ni G. Estanislao na umaasa siyang sa susunod na pagkakataong maging punong abala ang Pilipinas sa APEC, hindi na lamang "Islands of Governance" ang bibigyang-pansin, kundi ang buong kapuluan.

Tagapag-ulat: Melo

Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>