SUSPENDIDO ng Philippine National Police ang mga permiso sa pagdadala ng sandata sa Metro Manila mula ika-16 hanggang ika-20 ng Nobyembre dahil sa pagdaraos ng mga pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation.
Sinabi ni PNP Director General Ricardo Marquez na ang lahat ng permit to carry ng mga "firearms outside of residence" ay suspendido sa Metro Manila. Napapaloob ito sa isang memorandum na inilabas ng kanyang tanggapan.
Tanging mga PNP, Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies na may angkop na uniporme ang papayagang magdala ng sandata.