|
||||||||
|
||
Pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig, magkakasamang paglaban sa terorismo
Binigyang-diin ng mga kalahok na lider na ang misyon ng G20 ay pasulungin ang kasaganaang pangkabuhayan ng daigdig. Ang magkakasamang paglaban sa terorismo ay nagsisilbi ring pangunahing paksa ng summit dahil sa teroristikong pamamaril at pagpapasabog kamakailan sa Paris, Pransya. Ayon sa pinakahuling datos ng panig opisyal ng Pransya, ang nasabing pag-atakeng teroristiko ay ikinamatay ng 192 katao at ikinasugat ng mahigit 350 iba pa.
Logo ng G20 Summit sa standup positions sa Antalya, Turkey, Nov. 15, 2015. (Xinhua/Zeng Hu)
Inobasyon, bukas na kabuhayan para sa 2030 UN Agenda sa Sustainable Development
Upang maisakatuparan ang nasabing misyon ng G20 sa pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang apat na mungkahi. Una, kailangang pahigpitin ng mga kasapi ang koordinasyon sa mga patakaran ng macro-economy para magkakasamang palakasin ang kabuhayang pandaigdig. Ikalawa, kailangang pasulungin ang reporma at inobasyon para mapalakas ang potensyal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Ikatlo, kailangang pasulungin ang bukas na kabuhayang pandaigdig at pasiglahin ang pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan. Ikaapat, kailangang magkakasamang isakatuparan ang 2030 Agenda on Sustainable Development na binalangkas ng United Nations.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kalahok sa unang sesyon ng Ika-10 G20 Summit sa Antalya, Turkey, Nov. 15, 2015. (Xinhua/Li Xueren)
Kaugnay ng kabuhayang Tsino, muling ipinahayag ni Pangulong Xi na tiwala siyang mapapanatiling katamtamang bilis at de-kalidad na pag-unlad ng pambansang kabuhayan ng Tsina para patuloy na makapag-ambag para sa pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |