|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa Antalya, Turkey, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at kanyang counterpart na si Recep Tayyip Erdoğan ng bansang ito.
Bumati muna si Xi sa tagumpay na pagbubukas ng G20 Summit sa Antalaya. Hinangaan din ni Xi ang mga gawain ng Turkey bilang Tagapangulong bansa ng G20.
Sinabi ni Xi na itataguyod ng Tsina ang G20 Summit sa taong 2016. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ng Tsina, kasama ng Turkey, ang mga kooperasyon para pasulungin ang pagganap ng mas malaking papel ng G20 sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig.
Binigyang-diin din ni Xi na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Tsina, ang pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan sa isa't isa, palawakin ang pagpapalitan sa kultura at mga mamamayan, palalimin ang kooperasyong panseguridad, para magkasamang pangalagaan ang komong kapakanan ng Tsina, Turkey at ibang mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag naman ni Recep Tayyip Erdoğan ang pagtanggap sa pagdalo ni Xi sa G20 Summit sa Antalya.
Sinabi niyang pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina at nakahandang patuloy na palalimin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, enerhiya, kultura, seguridad, at turismo, sa pundasyon ng paggalang sa isa't isa.
Dagdag pa niya, nakahanda ang Turkey na lumahok sa mga kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road " o "One Belt One Road" initiative. Winewelkam din ng kanyang bansa ang pagpapalaki ng mga bahay-kalakal ng Tsina ng pamumuhunan sa mga imprastruktura sa Turkey.
Sa kanilang pag-uusap, magkasamang kinondena ng dalawang lider ang teroristikong pag-atake na naganap sa Paris noong gabi ng ika-13 ng buwang ito. Kinatigan nila ang pagpapahigpit ng mga kooperasyon ng komunidad ng dagidig para magkasamang bigyang-dagok ang terorismo.
Pagkatapos ng pag-uusap, dumalo rin sila sa seremonya ng paglalagda ng Tsina at Turkey sa Memorandum of Understanding sa magkasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng "One Belt One Road" initiative at mga kasunduan ng kooperasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |