Sa Manila — Dumalo at bumigkas ng talumpati ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa APEC CEO Summit. Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyang kalagayang bumaba ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, aktibong kinakaharap ng Tsina ang iba't-ibang uri ng kahirapan at hamon, at pinalalakas ang makro-kontrol, at puwersang pinasusulong ang reporma. Bunga nito'y nasa makatwirang lebel ang operasyon ng kabuhayan ng bansa, at napapanatili ang matatag at mabilis na pag-unlad.
Dagdag pa ng Pangulong Tsino, bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, binibigyan ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig ang tunguhin ng kabuhayang Tsino. Noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumaki ng 6.9% ang kabuhayang Tsino kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Umabot aniya sa halos 30% ang contribution rate para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng