|
||||||||
|
||
Sa Manila, Pilipinas—Sinimulang idaos dito ngayong Miyerkules ang 2-araw na ika-23 Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Dumalo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang tema ng kasalukuyang APEC meeting ay "Building Inclusive Economies, Building a Better World." Ang mga konkretong paksa sa pulong ay kinabibilangan ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, pagdedebelop ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal at human resources, sustenableng paglaki, at iba pa.
Ito ang ika-3 beses na paglahok ni Xi sa Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC. Miyerkules ng umaga, dumalo si Xi sa APEC CEO Summit, at bumigkas ng talumpating pinamagatang"Pagpapatingkad ng Namumunong Papel ng Asya-Pasipiko, Pagharap sa Hamon sa Kabuhayang Pandaigdig." Pagkaraan ng seremonyang panalubong Miyerkules ng hapon, idaraos ang diyalogo ng mga lider ng APEC at mga kinatawan ng APEC Business Advisory Council. Sa ika-19 ng Nobyembre, lalahok si Xi sa espesyal na pulong hinggil sa kabuhayang panrehiyon at pandaigdig, pulong sa ika-2 yugto ng Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng APEC, at bangkete.
Miyerkules ng gabi, lalahok ang mga kalahok na lider ng APEC sa bangketeng panalubong na itataguyod ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ng Pilipinas.
Pagkatapos ng naturang 2-araw na pulong, ipapalabas ang deklarasyon ng mga lider. Bukod dito, ipapalabas ng mga lider ng APEC ang isang pahayag hinggil sa pagkatig sa sistema ng multilateral na kalakalan, para ipakita ang matibay na determinasyon ng APEC sa pagkatig sa nasabing sistema.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |