|
||||||||
|
||
Ipinahayag nila na patuloy na pasusulungin ng APEC ang integrasyong pang kabuhayan ng rehiyong Asiya-Pasipiko, pakikisangkot ng mga katam-tamang laki at maliit na bahay-kalakal sa pamilihan, at paglaki ng pamumuhunan sa human resources.
Sa nasabing pulong, ipinahayag ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko (FTAAP) ay mahalagang paraan para isakatuparan ang integrasyon ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Aniya pa, noong nakaraang taon. Buong sikap na pinasulong ng mga myembro ng APEC ang pagsasakatuparan ng roadmap ng pagtatatag ng FTAAP.
Kaugnay ng FTAAP, sinabi ni Wang na ang FTAAP ay naglalayong maging isang komprehensibo at de-kalidad na malayang sonang pangkalakalan na sumasaklaw sa lahat ng mga malayang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga myembro ng APEC.
Sinabi pa niyang ang pagtatatag ng FTAAP ay komong mithiin at tungkulin ng mga kasapi ng APEC, at ibayo pang tatalakayin ng mga miyembro nito ang FTAAP sa mga susunod na pulong. Aniya pa, suportado ng APEC ang mga natamong progreso sa konstruksyon ng FTAAP.
Ika-27 Ministerial Meeting ng APEC
Bago simulan ang ika-27 Ministerial Meeting ng APEC sa Manila, nag-alay ang lahat ng mga kalahok nang isang minutong katahimikan para gunitain ang mga nasawi sa teroristikong pag-atake sa Paris.
Sina Wang Shouwen, (kanan sa litrato), Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Tan Jian (kaliwa sa litrato), Mataas na Opisyal ng Tsina sa APEC.
Group picture ng mga ministro na lumahok sa ika-27 Ministerial Meeting ng APEC.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |