Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagtalumpati sa APEC CEO Summit

(GMT+08:00) 2015-11-18 18:25:39       CRI

Sa Manila, Pilipinas—Sinimulang idaos dito ngayong Miyerkules ang 2-araw na ika-23 Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Miyerkules ng umaga, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa APEC CEO Summit, at bumigkas ng talumpating pinamagatang"Pagpapatingkad ng Namumunong Papel ng Asya-Pasipiko, Pagharap sa Hamon sa Kabuhayang Pandaigdig."

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Xi na ang sirkulong industriyal at komersiyal ay pangunahing puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng Asya-Pasipiko. Noong nakaraan, gumawa ang sirkulong industriyal at komersiyal ng Asya-Pasipiko ng mahalagang ambag para sa kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito, at mahalagang tungkulin ang isasabalikat nito sa hinaharap. Winewelkam aniya ang patuloy na pakikisangkot ng naturang sirkulo sa proseso ng pag-unlad ng Tsina, para bahaginan ang pagkakataon at interes. Inaasahang gagawa ang sirkulong ito ng mas malaking ambag para sa pangmalayuang pag-unlad, at malakas, sustenable at balanseng paglago ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.

Ang tema ng kasalukuyang APEC meeting ay "Building Inclusive Economies, Building a Better World." Ang mga konkretong paksa sa pulong ay kinabibilangan ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, pagdedebelop ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal at human resources, sustenableng paglaki, at iba pa.

Sa panahon ng pulong, ilalahad ni Xi ang patakaran, ideya at paninindigan ng Tsina hinggil sa kooperasyong panrehiyon ng Asya-Pasipiko, isasalaysay ang proseso ng pagpapatupad ng mga natamong bunga ng APEC meeting sa Beijing, ipapaliwanag ang mga patakaran at hakbangin ng Tsina sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at pagpapasulopng ng pagbabago at pag-a-upgrade ng kabuhayan, isasalaysay ang mga bagong progreso ng konstruksyon ng Belt and Road Initiative at mga bagong pagkakataong idinulot nito sa Asya-Pasipiko at buong mundo, ilalahad ang kuru-kuro ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko, maging ng buong daigdig, at bibigyang-diin ang pagtatatag ng partnership ng Asya-Pasipiko.

Lalahok din si Xi sa mga bilateral na pakikipagtagpo sa mga lider ng mga kinauukulang miyembro ng APEC, para talakayin ang prospek ng kooperasyon ng APEC at bilateral na pragmatikong kooperasyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>