Nagtagpo ngayong araw sa Manila sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro John Key ng New Zealand.
Sinabi ni Xi na nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng New Zealand, ang mga kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, agrikultura, kultura, hudisya at gawaing pandepensa. Bukod dito, umaasa rin aniya siyang hahanapin ng dalawang bansa ang mga bagong larangan ng kooperasyon na gaya ng kaligtasan ng pagkain, pangangalaga sa kapaligiran, impormasyon, medisina at imprastruktura.
Sinabi naman ni Key na nakahanda ang kanyang bansang pahigpitin ang mga kooperasyon sa Tsina sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, at agrikultura. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.