"Ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko ay komong mithiin at tungkulin ng mga kasapi ng APEC, na kinabibilangan ng Tsina." Ito ang ipinahayag kahapon ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, pagkatapos ng ika-27 Ministerial Meeting ng APEC.
Ipinahayag ni Wang na bilang priyoridad ng APEC sa malayang kalakalan at pamumuhunan, pinag-ibayo sa pulong ang talakayan hinggil sa pagtatatag ng naturang malayang sonang pangkalakalan. Aniya pa, suportado ng pulong ang natamong progreso ng usaping ito.