MGA mag-aaral na kabilang sa League of Filipino Students at mga manggagawang kabilang sa Kilusang Mayo Uno ang nagmartsa mula Buendia patungo sa Roxas Blvd., malapit sa pinagdarausan ng APEC Summit.
May dalang mga placards at banner na nananawagan sa pagbabasura sa APEC at mga korporasyong banyagang ayon sa kanila'y patuloy na nakikinabang sa yaman ng Pilipinas. Sinunog nila ang paper mache na may APEC logo.
Sinabi ni Charisse Banez ng League of Filipino Students na ibayong hirap ang nakamtan ng Pilipinas dahilan sa dikta ng mga banyaga, partikular ng Estados Unidos.
Ginagamit ani Benitez ng America ang APEC upang magpadala ng kanilang mga kawal sa Asia na tila nagpapainit pa sa tension sa rehiyon.