UMAASA ang pamilya at mga kaibigan ni Mary Jane Veloso na nakapiit sa Indonesia, ay magwawakas ng iginawad na reprieve na maging matagalan at payagan ng makauwi ngayong Pasko.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Edre Olalia ng Union of People's Lawyers Philippines, na ipinagpapasalamat nila ang desisyon ng hukuman na huwag ituloy ang pagbitay sapagkat abala ang bansa sa pag-aayos ng kanilang ekonomiya.
Sinabi ng Attorney General's Office ng Indonesia sa pahayagang Jakarta Post na hindi itutuloy ang mga paggagawad ng parusang kamatayan dahil mahina ang kanilang ekonomiya.
Sinabi ni Attorney General M. Praseyto na ang mga pagpapataw ng parusang kamatayan na kabibilangan ni Veloso ay maaaring makasama sa imagen ng Indonesia at makasagabal sa programang pangkaunlaran ni Pangulong Widodo.