Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Food and Drug Administration, nanawagan sa madla laban sa pekeng gamot

(GMT+08:00) 2015-11-23 19:16:04       CRI

NANAWAGAN si Health Undersecretary Kenneth Hartigan-Go sa madla na makipagtulungan upang masugpo ang pagkalat ng mga pekeng gamot sa pamilihan.

Ipinaliwanag niyang ang mga palsipikadong gamot, ayon sa World health Organization ay mga gamot na sinadyang mali ang mga etiketa. Ang mga ito ay hindi makagagaling at maaaring mayroong maling laman kungdi ma'y walang anumang mapakikinabangang laman. Kung sakali mang tama ang laman ng gamot, maaaring hindi sapat ayon sa ipinapayong dosage ng mga manggagamot.

Ang paggamit ng mga palsipikadong gamot ay maaaring makasama pa sa katawan ng tao na mauuwi sa sa pagkaka-ospital at posibleng makasama sa kalusugan at makamatay pa.

Illegal ang paggawa ng palsipikadong gamot at isang malaking panganib sa buhay ng mga mamamayan lalo pa't ang pagkalat nito ay malaking pasanin ng health services ng alinmang pamahalaan.

Sapagkat obligasyon ng pamahalaang ipagsanggalang ang mga mamamayan, naglabas ang pamahalaan ng batas na kumikilala sa Food and Drug Administration na siyang lead agency sa paglaban sa mga sindikatong gumagawa ng palsipikadong gamot. Kasama sa kanilang programa ang mga ahensyang tulad ng Department of Trade and Industry, Bureau of Customs,. Intellectual Property Office of the Philippines, National Bureau of Investigation, PNP-Criminal Investigation and Detection Group, Philippine Center on Transnational Crime, Philippine Drug Enforcement Agency at Dangerous Drugs Board.

Noong nakalipas na Hulyo, limang parmasya sa Cebu, Mandaue, Talisay at Naga ang sinalakay sa pagbibili ng mga gamot na pinaniniwalaang palsipikado sa mas murang halaga kaysa mga tgunay na gamoty.

Hindi lamang krimen ang paggawa ng mga palsipikadong gamot, Ito na ang pinakamalaking pagkakitaan ng mga pandaigdigang sindikato, kaya't mahalaga ang pagsasama-sama ng mga regulasyon at mga ahensya ng pamahalaan, dagdag pa ni Undersecretary Hartigan-Go.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>