Sa pakikipag-usap kahapon sa Tehran sa kanyang Iranian counterpart na si Mohammad Javad Zarif, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na nananatiling mainam ang pundasyon ng mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Iran. Aniya, narating at isinasagawa ng komunidad ng daigdig at Iran ang komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, at ito ay magdudulot ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa, sa hinaharap. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Iran para pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa mas mataas na antas, batay sa pagpapahigpit ng mataas na pagdadalawan at estratehikong pagpapalitan, pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, magkasamang pagpapasulong ng inisyatibo ng "One Belt at One Road," at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Zarif na bilang matalik na kaibigan, nakahanda ang Iran na magsikap, kasama ng Tsina para palalimin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa, magkasamang maitatag ang estratehiya ng "One Belt at One Road," at palakasin ang pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, lalo na sa isyu ng Afghanistan, Syria, paglaban sa terorismo, at iba pa.