Noong Disyembre 21, 2015, ipininid ang apat (4) na araw na 2015 Central Economic Working Conference. Dahil hindi lamang tiniyak sa nasabing pulong ang gawaing pangkabuhayan sa taong 2016, kundi isinagawa ang pangkalahatang pagsasaayos sa gawaing pangkabuhayan sa loob ng darating na limang (5) taon, naging mas pangmalayuan ang katuturan ng pulong na ito, at naging mas maingat ang pagsasaayos ng ganitong gawain. Ipinalabas din sa pulong ang mas marami at mahalagang signal.
Una, tiniyak sa pulong ang pangkalahatang keynote at ideya para sa gawaing pangkabuhayan sa taong 2016; Ikalawa, ipinagdiinan sa pulong na dapat ibayo pang palakasin ang structural reform of the supply front; Ikatlo, tinukoy sa pulong na sa susunod na taon, napakahirap ng gawain ng structural reform sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Sa aspekto ng pagpapalawak ng mabisang suplay, iniharap sa pulong na isasagawa ang mga katugong hakbangin para mabawasan ang mahirap na populasyon, at patataasin ang lebel ng teknika ng mga bahay-kalakal, pasisiglahin ang mga bagong industriya, at patataasin ang kakayahan at kalidad ng produksyon ng agrikultura.
Sa aspekto naman ng kooperasyon ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon at paglilikha ng kasangkapan, ang estratehiyang "One Belt One Road" initiative ay mahalagang bahagi ng pagsasagawa ng Tsina ng pandaigdigang kakayahan ng produksyon. Para sa mga bansa sa kahabaan ng "One Belt One Road," ang ganitong kooperasyon ay nakakatulong sa pagpapabilis ng kanilang proseso ng industrilisasyon at urbanisasyon, at pagpapasulong ng pag-unlad ng kanilang kabuhayan at lipunan. Ito ay nakakapaghatid ng benepisyo sa kapwa panig.
Salin: Li Feng