Si Li Keqiang, Premyer ng Tsina.
Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag sa Beijing ngayong araw, Marso 16, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa mula't mula pa'y naninindigan ang Tsina na dapat itatag ang isang matatag na kapaligirang pangkapitbansa at mapagkaibigang relasyong pangkapitbansa. Aniya, kung talagang nais mapangalagaan ang katatagang panrehiyon, maisakatuparan ang pagkakaibigan sa mga kapitbansa, kinakailangan ang magkakasamang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito.
Kaugnay ng bansa sa labas ng rehiyong ito, tulad ng Amerika, sinabi ng Premyer Tsino na puwedeng isagawa ang kooperasyong Sino-Amerikano sa rehiyong Asya-Pasipiko. Dapat
din aniyang kontrulin nang mainam ang pagkakaiba ng dalawang panig. Idinagdag pa niya na buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Salin: Li Feng