"Walang obligasyon ang Tsina sa pagtupad sa anumang illegal arbitration." Ito ang ipinahayag kahapon, Marso 17, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa nilalaman ng isang magkasanib na pahayag na ipinalabas kamakailan sa Hapon ng mga lider ng East Timor at Hapon. Ito aniya'y may-kinalaman sa isyu ng South China Sea at umano'y international arbitration na isinumite ng Pilipinas hinggil sa isyung ito.
Binigyang-diin ni Lu na hindi direktang may-kinalaman ang Hapon sa isyu ng South China Sea, kaya, wala itong karapatang magsasalita ng kung anu-ano sa isyung ito. Ipinahayag ni Lu na nitong ilang araw na nakalipas, walang tigil ang pagtatangka ng Hapon na papangitin ang reputasyon ng Tsina sa isyu ng South China Sea, para iligaw ang komunidad ng daigdig. Pero, hindi ito aniya magtatagumpay.