Ayon sa Kapulisan ng Indonesya, dalawang armadong tauhan na posibleng may nasyonalidad na Tsino ang napatay kamakalawa dahil sa possible nilang kaugnayan sa terorismo.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Marso 17, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring panlabas ng Tsina na sinasubaybayan ng Tsina ang mga may-kinalamang ulat at iniimbestigahan nito ang mga katugong kalagayan.
Ipinahayag din ni Lu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para ibayo pang mapahigpit ang pagtutulungan laban sa terorismo, para sa magkasamang pangangalaga sa seguridad at katatagan ng bansa at rehiyon.