|
||||||||
|
||
Ayon sa "People's Daily," nang kapanayamin siya kamakailan sa Washington D.C. ng mamamahayag, ipinahayag ni Charles Freeman, beteranong diplomatang Amerikano, na walang bansang tutularan ang kagawain ng Administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Aniya, para sa iba pang bansa, ang paggamit ng arbitrasyon ay hindi kaakit-akit na pagpili, at ang hatol ng pansamantalang Arbitral Tribunal ay hindi puwedeng maging kahalili sa talastasan.
Si Charles Freeman ay punong tagasalin nang bumisita si Pangulong Richard Milhous Nixon ng Amerika sa Tsina noong 1972. Pagkatapos nito, minsan'y nanungkulan siya bilang diplomatang Amerikano sa Tsina, at embahador ng Amerika sa Saudi Arabia. Nitong ilang taong nakalipas, palagian niyang sinusubaybayan ang mga isyu sa Asya.
Ipinahayag din niya na ang resulta ng hatol ay hindi malulutas ang isyu, kundi magpapasalimuot pa ng situwasyon sa South China Sea. Para sa iba't-ibang may-kinalamang panig, ang talastasan at pagsasanggunian ay nananatili pa ring pinakamainam na paraan para malutas ang soberanya sa South China Sea at hidwaan sa paghahati ng hanggahan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |