![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina
Kaugnay ng pagpapalabas kamakailan ng Hapon, Amerika, at Australia ng magkakasanib na pahayag tungkol sa isyu ng South China Sea at East China Sea, sinabi Miyerkules, Hulyo 27, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang mga may-kinalamang bansa na pakitunguhan at hawakan ang isyu ng South China Sea sa tumpak na atityud.
Ani Lu, batid na ng panig Tsino ang kinauukulang impormasyon. Maraming beses aniyang nagpahayag ang panig Tsino na di kinikilala at tinatanggap ang ilegal at walang-bisang hatol na ginawa ng Arbitral Tribunal.
Sinabi ng tapagsalitang Tsino na ang nasabing hatol ay lampas sa awtorisasyon ng "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)." Ito aniya ay grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas. Buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng paninindigan at aksyong nababatay sa nasabing hatol, aniya pa.
Ipinahayag din ni Lu na nitong ilang araw na nakalipas, madalas na binabanggit ng Hapon, Amerika, at Australia ang pandaigdigang batas. Ngunit, palagiang isinasagawa ng nasabing tatlong bansa ang "Double Standard" sa pandaigdigang batas, at wala silang anumang kuwalipikasyon sa pagsasalita ng anu-ano sa iba.
Idinagdag pa ni Lu na ang naturang tatlong bansa ay pawang hindi direktang may-kaugnayang bansa sa isyu ng South China Sea. Hinihimok aniya ng panig Tsino ang mga kinauukulang bansa na pakitunguhan at hawakan ang isyung ito sa tumpak na atityud, at totohanang igalang ang mga ginagawang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |