Nakipagtagpo kahapon, Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre 2016, sa Beijing, si Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, kay Nguyen Chi Vinh, Pangalawang Ministro ng Tanggulan ng Biyetnam.
Sinabi ni Chang, na nakahanda ang tropang Tsino na magsikap, kasama ng tropang Biyetnames, para palakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan, at palalimin ang pragmatikong pagtutulungan.
Sinabi naman ni Nguyen, na nagbigay ang panig Tsino ng malaking ambag sa positibong pag-unlad ng kalagayang panrehiyon. Dapat din aniyang magkasamang magsikap ang dalawang bansa, para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai