Sinabi kaninang madaling araw, Linggo, ika-4 ng Hunyo 2017, ng kapulisan ng Britanya, na ang dalawang teroristikong pag-atake na naganap kagabi sa London ay ikinamatay ng 6 na katao. Samantala, 3 suspek ang binaril at pinatay ng panig pulisya.
Ayon sa ulat, ang naturang dalawang pag-atake ay magkasunod na naganap sa London Bridge at malapit na Borough Market. Kabilang dito, isang van ang nanagasa sa mga tao sa London Bridge.
Naganap kagabi ang isa pang pag-atake sa Vauxhall, 3 milya ang layo mula sa London Bridge. Kinumpirma ng kapulisan na ito ay pananaksak, at walang kinalaman sa nabanggit na dalawang insidente.
Salin: Liu Kai