Nasa timog kanluran ng Lalawigang Zhejiang ang Guyan Painting Town. Batay sa magandang likas na kapaligiran at masaganang yamang kultura, pinaunlad ng nasabing nayon ang industriyang pansining at industriya ng turismong kultural at ekolohikal.
Noong 2017, mahigit 1.7 milyong person-time na turista ang tinanggap ng nasabing nayon, na lumaki ng 8.24% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ang pag-unlad ng turismo ay nakapagpataas din ng kita ng mga taga-nayon. Mula noong 2006 hanggang 2017, tumaas sa 23,170 yuan RMB ang karaniwang taunang kita ng mga residente sa nukleong sona ng nasabing scenic spot, mula mahigit 3,000 yuan RMB noong dati.
Salin: Vera