Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Guangdong sa timog ng Tsina, bumisita kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Oktubre 2018, sa Guangzhou, si Pangulong Xi Jinping ng bansa, sa Xiguan historical and cultural community sa Liwan District ng lunsod na ito. Naranasan niya roon ang mga tradisyonal na kultura at pamumuhay sa Guangzhou.
Binigyang-diin ng pangulong Tsino, na sa panahon ng pagpaplano ng lunsod, dapat panatilihin ang mga tradisyonal na bahagi, habang pinauunlad ang mga modernong bahagi. Ito aniya ay para panatilihin ang mga magandang alaala ng lunsod para sa mga lokal na residente.
Salin: Liu Kai