|
||||||||
|
||
Alas 8:00 kagabi, bisperas ng Chinese New Year, ipinalabas ang 2019 CMG Spring Festival Gala. Sa pamamagitan ng mga tradisyonal na TV channel, online platform at APP sa cell phone, nanood sa gala ang mga mamamayang Tsino habang nagsasalu-salo ang buong pamilya. Nagsisilbi itong tradisyon ng pagsalubong ng mga mamamayang Tsino sa bagong taon ng Kalendaryong Tsino, nitong mahigit tatlong dekada.
Sa mahigit apat na oras na taunang gala, napanood ang samu't saring palabas na inihandog ng mga alagad ng sining mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, na gaya ng awitin, sayaw, salamangha, akrobatiks, tradisyonal opera, wu shu o sining ng pakikipaglaban, crosstalk at iba pa.
Ang 2019 Spring Festival Gala ay ang unang gala sapul nang buuin ang China Media Group. Tampok sa gala sa taong ito ang mga bagong teknolohiya na gaya ng 4K at 5G, kasama ng virtual reality (VR), augmented reality (AR), at artificial intelligence (AI). Bukod sa mga TV channels, sabay na mapapanood din online ang gala sa iba't ibang plataporma.
Ipinalalagay ni Tan Fei, kritik sa kulturang Tsino na gumaganap ang taunang Spring Festival gala ng di-mahahalinhang papel sa kulturang Tsino, bunga ng inobasyong panteknolohiya, naging mas maginhawa ang panonood sa gala.
Sa tingin naman ni Pu Yin, dalubhasa sa kulturang Tsino na ang pagtitipun-tipon ng pamilya ay nananatili pa ring pinakamalahangang katuturan ng taunang Spring Festival Gala.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |