Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iba't ibang mga manggagawa, tuloy ang pagtatrabaho sa bisperas ng Chinese New Year

(GMT+08:00) 2019-02-05 18:58:18       CRI

Nililinis ng mga trabahador ang kalye sa Hohhot, kabisera ng Inner Mongolia nitong Pebrero 4, 2019. Sa iba't ibang panig ng Tsina, walang tigil ang pagtatrabaho ng ilang mga mangagawa sa bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year , na ipagdiriwang Pebrero 5 ngayong taon.

 Pinupunuan ng mga manggagawa ang tangke ng tubig ng tren sa Shanghai Hongqiao Railway Station nitong Pebrero 4, 2019.

 Si Wang Jing, isang train attendant habang tinitingnan ang tiket ng isang pasahero sa Yinchuan Railway Station sa Ningxia Hui Autonomous Region nitong Pebrero 4, 2019. Ito ang ikatlong taon na nagtrabaho si Wang sa panahon ng Spring Festival.

Naka-duty ang bus driver na si Shao Hui sa Yinchuan, Ningxia Hui Autonomous Region nitong Pebrero 4, 2019. Sampung taon nang isinasagawa ni Shao at pagtatrabaho sa panahon ng bisperas ng Pestibal ng Tagsibol.

Isang nurse ang tumitingin sa kalagayan ng isang sanggol sa intensive care unit ng isang ospital sa Suixian Country, lalawigang Henan nitong Pebrero 4, 2019.

Abala ang mga empleyado ng railway sa Yinchuan Railway Station sa Ningxia Hui Autonomous Region nitong Pebrero 4, 2019.

 Patuloy sa paglilinis ng kalye ang isang manggagawa sa Wuhan, kabisera ng lalawigang Hebei nitong Pebrero 4, 2019.

Salin: Mac
Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>