Sa preskon ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-11 ng Marso 2019, sa Beijing, sinabi ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng bansa, na pinalalakas ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road sa aspekto ng siyensiya at teknolohiya.
Ayon kay Wang, sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga dayuhang siyentista sa Tsina para sa pananaliksik at magkakasamang pagtatayo ng mga magkasanib na laboratoryo, science and technology park, at rehiyonal na plataporma ng paglilipat ng teknolohiya, isinasagawa ng Tsina at ibang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road ang mahigpit na kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya. Umaasa aniya ang panig Tsino, na ang kooperasyong ito ay magiging tampok na bahagi ng pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai