Sa magkakahiwalay na okasyon, lumahok Marso 10, 2019, ang mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na sina Xi Jinping, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, at Zhao Leji sa panel discussion ng mga delegasyon sa Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Sa panel discussion ng delegasyon ng Lalawigang Fujian, binigyan-diin ni Xi na dapat likhain ang magandang kapaligirang pangkaunlaran na makakabuti sa inobasyon, pagpapasimula ng negosyo, at pagkamalikhain, at walang humpay na palakasin ang impluwensiya at kakayahang kompetetibo ng Tsina sa pabagu-bagong arenang pandaigdig. Aniya rin, dapat gawin nang mabuti ang pagpawi ng kahirapan sa mga lumang rebolusyonaryong sona, at tiyaking hindi maiwan ang mga sonang ito sa proseso ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan.
Salin: Lele