Hindi lamang sa paglalakbay-suri sa mga lugar ng bansa, kundi pagdalo sa panel discussion ng mga delegasyon sa panahon ng "Dalawang Sesyon," lubos na pinahahalagahan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang tinig ng mga deputado mula sa mga nakabababang unit. Sa kanyang mata, ang nakabababang unit ay pinakamahalagang lugar kung saan nagpapasiyang maisakatuparan o hindi ang target ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa Tsina. Sa idinaraos na "2019 Two Sessions" sa Beijing, nakaharap ni Xi ang mga deputado mula sa mga grasslands, sakahan, sirkulo ng negosyo, at mga mahirap na lugar ng bansa para matalakay ang tungkol sa mga isyung gaya ng berdeng pag-unlad, pag-ahon ng kanayunan, inobasyon at paglilikha ng negosyo, at pagbabawas ng karalitaan.

Tungkol sa isyu ng berdeng pag-unlad, ipinagdiinan ni Xi na dapat panatilihin at palakasin ang determinasyon sa pangangalaga sa kapaligiran. Hindi puwede aniyang hanapin ang paglaki ng kabuhayan sa kapinsalaan ng kapaligiran.
Kaugnay ng pag-ahon ng kanayunan, sinabi ni Xi na ang paggarantiya sa suplay ng mga produktong agrikultural, partikular na ng pagkain, ay pinakamahalagang tungkulin ng pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapa-ahon ng kanayunan. Aniya, dapat pasulungin ang konstruksyon ng mga imprastruktura sa kanayunan, at hikayatin at bigyang-patnubay ang iba't-ibang uri ng pondong panlipunan sa pagpasok sa konstruksyong ito. Dapat ding kumpletuhin ang health care system sa kalunsuran at kanayunan.
Kaugnay naman ng inobasyon at pagpapatakbo ng negosyo, sinabi ng Pangulong Tsino na ang pangunahing tungkulin ng mga bahay-kalakal ay pagsasagawa ng mga down-to-earth business. Aniya, dapat likhain ang mainam na kapaligirang pangnegosyo para sa iba't-ibang uri ng kompanya.
Tungkol sa isyu ng pagbabawas ng karalitaan, binigyang-diin ni Xi na dalawang taon na lang ang natitira upang maisakatuparan ang poverty alleviation target ng bansa hanggang taong 2020. Aniya, ngayo'y nasa masusing panahon at dapat pag-ibayuhin ang pagsisikap sa usaping ito.
Salin: Li Feng
Pulido: Mac