Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-11 ng Pebrero 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtutol sa pagbatikos ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Turkey sa Tsina kaugnay ng kalagayan sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang at mga patakaran ng pamahalaang Tsino sa rehiyong awtonomong ito.
Ayon kay Hua, sa kanyang pahayag, binanggit ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Turkey na namatay si Abdurehim Heyit, sikat na folk poet ng etnikong Uygur, sa kanyang ikalawang taon sa bilangguan. Ani Hua, sa katotohanan, buhay pa at malusog si Heyit, at kahapon lamang nanood siya ng isang online video na nakakapagpatunay hinggil dito. Sinabi ni Hua, na lipos ng ganitong kasinungalian ang pahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Turkey at walang batayan ang kanyang pagbatikos sa Tsina.
Dagdag ni Hua, ang mga isinasagawang patakaran ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang ay naglalayong labanan ang terorismo, ekstrimismo, at separatismo, at natamo na ng mga ito ang kapansin-pansing bunga. Sinabi rin ni Hua, na bilang isa ring bansang kinakaharap ng bantang dulot ng terorismo, hindi dapat isagawa ng Turkey ang double standard sa isyu ng paglaban sa terorismo.
Salin: Liu Kai