|
||||||||
|
||
Dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at iba pang mga lider at opisyal ng bansa na kinabibilangan nina Premiyer Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Huning at iba pa, sa seremoniya ng pagbubukas ng Ika-8 Congress of China Law Society na idinaos kahapon ng umaga sa Great Hall of the People.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Guo Shengkun, kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Kalihim ng Komisyong Pampulitika at Usaping Legal ng CPC na sapul nang ika-18 na Pambansang Kongreso ng CPC, inilagay ng CPC ang ideya ng pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas sa "Four Comprehensives "estratehiya ng bansa, at pinapalakas ang pamumuhunan ng CPC sa ideya ng pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas, at natamo ang malaking bungang pangkasaysayan. At sa pamumuno ng China Law Society, ang mga law professionals ay nagbibigay ng mahalagang ambag para sa pagkakatatag ng socialist rule of law sa Tsina.
Ipinahayag ni Guo ang pag-asang igigiit ng mga law professionals ang ideya ng bansang sosyalista na may katangiang Tsino sa bagong dekada, walang humpay na pairalin at isagawa ang socialist rule of law na may katangiang Tsino.
Ang pangunahing tungkulin ng kongresong ito ay paglalagom ng mga gawaing nitong nakaraan limang taon at pagbalangkas ng gawain sa susunod na limang taon.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |