|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Jakarta ng Indonesiya, idinaos ang Symposium ng "BRI: nag-uugnay ng Tsina at Indonesiya."
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Luhut Binsar Pandjaitan, Ministro ng Coordinating Ministry for Maritime Affairs ng Indonesiya na ang kooperasyon sa ilalim ng Global Maritime Fulcrum Vision ng kanyang bansa at Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina ay mabuting pandaigdigang relasyong pangkooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan. Sinabi niya na ang kooperasyon ng Tsina at Indonesiya ay nagpapasulong ng pag-unlad ng Indonesiya, at nagdudulot rin ng ambag para sa katatagan ng rehiyon at buong daigdig.
Ipinahayag rin sa talumpati ni Thomas Trikasih Lembong, Tagapangulo ng Indonesian Investment Coordinating Board na ang BRI ay nagdudulot ng pagkakataong pangkasaysayan para sa Indonesiya.
Tinukoy ni Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesiya na ang positibong tunguhin ng kooperasyon ng Tsina at Indonesia ay epitome ng pagsasagawa ng Tsina ng pakikipagkooperasyon sa maraming pangkaibigang bansa at rehiyon sa ilalim ng BRI. Nitong ilang taong nakalipas, siuportahan at sinalihan ng masmaraming bansa ang BRI, at ang pandaigdigang kooeprasyong ito ay nagkaloob ng mahalagang tagapagpasulong na puwersa para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa ni Xiao.
Si Thomas Trikasih Lembong, Tagapangulo ng Indonesian Investment Coordinating Board
Si Xiao Qian, Embahador ng Tsina sa Indonesiya
Si Luhut Binsar Pandjaitan, Ministro ng Coordinating Ministry for Maritime Affairs ng Indonesiya
Symposium ng BRI nag-uugnay ng Tsina at Indonesiya
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |