Kaugnay ng katatapos na sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sinabi kamakailan ni Pinij Jarusombat, dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand at Tagapangulo ng Thai-Chinese Cultural and Relationship Council, ang Belt and Road Initiative (BRI) ay naging mainit na paksa sa kasalukuyang sesyon. Aniya, bilang bansa sa kahabaan ng Belt and Road, lubos namang pinahahalagahan ng Thailand ang inisyatibang ito.
Sinabi ni Jarusombat, na ang BRI ay mahalagang inisyatiba para sa pagtatatag ng pandaigdig na platapormang pangkooperasyon. Ipinalalagay niyang, magdudulot ito ng mahalagang epekto sa antas ng daigdig. Aniya, alinmang proyektong gaya ng paglalatag ng high-speed railway, transnasyonal na kooperasyon sa lohistika, pagtatayo ng mga paliparan at daungan, kooperasyon sa e-commerce, at iba pa, ay pawang magbibigay ng pakinabang sa lahat ng mga bansa.
Salin: Liu Kai