Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Klasikong Sinipi ni Xi sa wikang Italyano, inilunsad

(GMT+08:00) 2019-03-22 09:23:29       CRI
Inilunsad nitong Huwebes, Marso 21, local time, sa Roma, Italya, ng China Media Group (CMG) ang serye ng video na pinamagatang Mga Klasikong Sinipi ni Xi sa wikang Italyano.

Kasabay na inilunsad ang video sa dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Ibinebenta na ang video sa multimedia outlet ng Mediaset at Class Editori, dalawang napakaimpluwensyal na media group ng Italya.

Tampok sa serye ng video ang mga sinipi ni Xi mula sa mga sinaunang kuwento at akda, sa kanyang mga talumpati at artikulo. Nagpapakita ang mga ito ng malalim na pagkaunawa ni Xi sa tradisyonal na kulturang Tsino at kanyang kaisipan hinggil sa pamamahala sa bansa.

Nahahati sa anim na paksa ang serye ng video na kinabibilangan ng kapakinabangan ng mga mamamayan, tradisyong pampamilya, paghinang ng indibiduwal na katangian, pagtatatag ng tapat na administrasyon, pagbibigay-galang at pag-aalaga sa mga magulang, at malinis na pangangasiwa.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglulunsad, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na ang mga sipi ni Pangulong Xi ay nakaugat sa malalim na obserbasyon at pananaw ng mga mamamayang Tsino nitong 5,000 taong kasaysayan ng bansa tungkol sa mga paksa na gaya ng ugnayan sa pagitan ng mga tao at kalikasan, pamilya at bansa, at moralidad at batas.

Ang Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ni Xi para sa komong kaunlaran na may esensyan ng kulturang Tsino ay tinatanggap ng. mas maraming bansa ng komunidad ng daigdig, dagdag pa ni Shen.

Sinabi naman ni Fedele Confalonieri, Tagapangulo ng Mediaset, pinakamalaking komersyal na media group ng Italy, na ang BRI ay napakahusay na nagpapamana ng diwa ng sinaunang Silk Road. Bilang mga bansa kung saan nagsimula at nagtapos ng sinaunang Silk Road, kailangang iugnay ng Tsina at Italya ang mga karanasan sa sinaunang Silk Road sa makabagong praktika na pangkaunlaran. Ani pa ni Confalonieri, ang Mga Klasikong Sinipi ni Xi ay makakatulong sa pag-unawa sa konsepto ng mapayapang pag-unlad sa ilalim ng BRI.

Sina Shen Haixiong (kanan) at Fedele Confalonieri (kaliwa)

Screenshot mula sa Mga Klasikong Sinipi ni Xi [Photo: China Plus]

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>