|
||||||||
|
||
"Sa isang napakalaking bansa na tulad ng Tsina, napakabigat ng responsibilidad at napakahirap ng mga gawain. Itatalaga ko ang aking sarili para paglingkuran ang mga mamamayan." Ito ang sagot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina nang tanungin siya ni Roberto Fico, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Italya hinggil sa damdamin bilang puno ng estado.
Sina Pangulong Xi at Ispiker Fico
Ang paglilingkod sa mga mamamayan ay ang pananampalataya ni Xi. Buong tatag niyang inihalad na: "ang pangarap ng mga mamamayang Tsino sa pagpapabuti ng pamumuhay ay ang target ng pagsisikap natin." Saan man siya magpunta, mula sa mga lumang baseng rebolusyonaryo hanggang sa hilagang hanggahan ng bansa, mula sa talampas patungong bulubundukin, mula sa paaralan papuntang pamayanan, mula sa mga palengke patungong bahay ng mahihirap na kababayan, ang pamumuhay ng mga mamamayan ang laging ikinababahala at nakakintal sa kaisipan at kaibuturan ng puso ni Xi. "Dahil iniatang ng mga mamamayan ang tadhana at kinabukasan ng bansa sa atin, dapat nating isabalikat ang tungkuling ito," diin ni Xi.
Si Xi, kasama ng mga mamamayang Tsino
Di-magagapi ang lakas-loob at tiyaga. "Naniniwala akong sa pamamagitan ng aking walang-humpay na pagpupursige, at sa pakikiisa at pagsisikap ng lahat ng 1.3 bilyong mamamayang Tsino, maaari nating isabalikat ang anumang mabigat na pasanin at buong-husay na itatag ang ating bansa. Lipos ako ng kompiyansa rito, at lipos ng kompiyansa rito ang sambayanang Tsino," dagdag ng pangulong Tsino.
Tanda: Ito ang salin ng isang komentaryo ng China Media Group (CMG) sa wikang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |