Lumahok kahapon, Lunes, ika-8 ng Abril 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang mga iba pang lider ng bansa, sa taunang aktibidad ng pagtatanim ng mga punong-kahoy.
Habang nagtatanim ng mga puno, nanawagan si Xi para ipagpatuloy ang tradisyon ng nasyong Tsino ng pagmamahal, pagtatanim, at pangangalaga sa mga puno. Sinabi rin niyang, para matamo ang aktuwal na bunga sa afforestation o pagpapalago ng mga gubat sa buong bansa, kailangan ang paglahok ng bawat tao sa gawaing ito.
Salin: Liu Kai