Magkahiwalay na nakipagtagpo, kahapon, Huwebes, ika-11 ng Abril 2019, sa Beijing, sina Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); at Guo Shengkun, Kalihim ng Political and Legal Affairs Committee ng Komite Sentral ng CPC, kay Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore.
Ipinahayag ng mga opisyal na Tsino ang pag-asang, sasamantalahin ng Tsina at Singapore ang okasyon ng ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa susunod na taon, para palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road. Nakahanda rin anila ang Tsina, kasama ng Singapore, na palakasin ang kooperasyon sa aspekto ng pagpapatupad ng batas at katiwasayan.
Sinabi naman ni Teo, na dapat pasulungin sa bagong antas ang kooperasyon ng Singapore at Tsina sa iba't ibang aspekto. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Singapore, na aktibong lumahok sa pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road, at ibayo pang pasulungin ang relasyon ng Association of Southeast Asian Nations at Tsina.
Salin: Liu Kai