Biyernes, Abril 12, 2019, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Li Keqiang, Premyer ng Tsina, at Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, bilang pagbati sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng China-Singapore Suzhou Industrial Park.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na nagpatingkad ng mahalagang papel ang nasabing parke para sa pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang ibayo pang pabubutihin ng parkeng ito ang kapaligirang pangnegosyo, mas mainam na pasusulungin ang pandaigdigang kooperasyong pangkabuhaya't panteknolohiya, walang humpay na patataasin ang kakayahan sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at gagawa ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa mas de-kalidad na pag-unlad ng bansa.
Sinabi naman ni Lee Hsien Long na ang matagumpay na pag-unlad ng Suzhou Industrial Park ay nagpapakita ng mahigpit na kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang antas. Umaasa aniya siyang patuloy na pasusulungin ng nasabing parke ang kooperasyong Sino-Singaporean.
Salin: Vera